Ni roy C. mabasa

Nagpahayag ng pagnanais ang China na “join hands” sa mga bansang miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) upang mapanatili ang katatagan ng West Philippine Sea (WPS)/South China Sea (SCS), mapanatili ang maagang konsultasyon ng Code of Conduct sa WPS, at itaguyod ang maritime at East Asian cooperation upang makapagdulot ng positibong enerhiya sa regional integration at economic globalization.

Ipinahayag ito ng Chinese Foreign Ministry sa paghahanda ni Chinese Foreign Minister Wang Yi sa pagdalo sa Foreign Ministers’ Meeting sa pagitan ng China at ASEAN (10+1), ang Foreign Ministers’ Meeting sa pagitan ng ASEAN, China, Japan at ng Republic of Korea (ROK) (10+3), ang Foreign Ministers’ Meeting ng East Asia Summit (EAS), ang Foreign Ministers’ Meeting ng ASEAN Regional Forum (ARF) at ang commemorative activities para sa ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng ASEAN na idaraos sa Maynila mula Agosto 6 hanggang 8.

Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokesperson Geng Shuang, simula nang itatag ang China-ASEAN dialogue relations noong 1991 “political mutual trust has been strengthened and fruitful outcomes have been reaped in pragmatic cooperation” na mayroong pagsisikap ng magkabilang panig.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Ngayon, sinabi niya ang relasyon ng magkabilang panig ay nasa “crucial juncture of building on the past achievements and ushering in the new phase of upgrading and elevation with new opportunities for growth.”

Sinabi niya na ang lahat ng ito “fully demonstrates our shared aspiration to maintain peace and stability of the South China Sea and creates a sound atmosphere for China-ASEAN cooperation.”

Ang idaraos na Association of Southeast Asian Regional Forum ay magsisilbing instrumento na magpapahinahon sa North Korea at iba pang bansa na nagkakaisa sa kanilang pagtutol sa nuclear missile test at sa pagpapaunlad ng nuclear arsenal ng Pyongyang, ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano.

“I think it’s better for people to talk,” diin ni Secretary Cayetano sa isang panayam. “The less we talk the more grave the situation could become.”

Sinabi niya na isang kalabisan na suspendehin ng North Korea sa ARF na nais mangyari ng United States.