Ni: Francis T. Wakefield

Sinabi kahapon ng Philippine National Police-Counter-Intelligence Task Force (PNP-CITF) na patuloy nitong kinukumpirma ang mga report sa umano’y pagkakasangkot sa ilegal na gawain ng 1,122 pang tauhan ng PNP.

May kabuuang 41 pulis at 15 sibilyan na ang naaresto, karamihan ay dahil sa extortion, sa nakalipas na anim na buwan simula nang pakilusin ang CITF nitong Enero 2017.

Ayon kay Senior Supt. Chuiquito Malayo, CITF commander, nakatanggap ang CITF ng 1,180 police-related concerns mula sa 7,049 na report at mga reklamo sa pamamagitan ng SMS reporting hotline nitong 0998-6702286 at 0995-7958569.

National

Diokno kay Ex-Pres. Duterte: ‘Tara na, i-set na natin ang date mo sa ICC!’

Kinilala sa reports na ito ang 1,122 police personnel (249 officers at 873 non-officers) na may alegasyon ng pagkakasangkot sa iba’t ibang iregularidad, ayon kay Malayo.

Sinabi ni Malayo na 641 personnel ang pinangalanan sa SMS reports na sangkot sa tatlong pangunahing paglabag bilang protector ng mga ilegal na aktibidad, na may kinalaman sa droga at extortion.

Masusing iniimbestigahan ang katotohanan sa SMS reports, na tumutukoy sa 385 tauhan mula sa NCRPO, 147 sa Calabarzon, at 14 mula sa Central Luzon, ayon kay Malayo.