NI: Jun Fabon
Timbog ang pitong katao sa anti-narcotics operation ng Quezon City Police District (QCPD)-Police Station 7 sa isang hotel sa Cubao, kahapon ng madaling araw.
Sa report ni Police Supt. Louise Benjie P. Tremor, hepe ng Cubao Police Station 7, kinilala ang mga inaresto na sina Majour Jose Delos Reyes y Yolanda, alyas MJ, 27, ng Zone 7 Balaos Ipunan, Cagayan; Amir Garcia y Dela Cruz, 24, ng No. 220 Cordero Street, Arco Bato, Valenzuela City; Frank Fortu y Evangelista, 19, ng Pueto Galera, Oriental Mindoro.
Sina Delos Reyes, Garcia at Fortu ay pawang naaktuhang bumabatak ng shabu sa loob ng isang hotel sa Barangay Socorro, Cuba.
Nasukol din sa hotel sina Randy Navarro, alyas Ryan, 36, ng West Port St., Bgy. E. Rodriguez, Cubao; Paolo Del Rosario y Ignacio, 23, ng Block 7, Lot 10 Villa Samantha, Meycauyan, Bulacan; Ramil Diaz, 36, ng Lapaz Lino, Cagayan De Oro City; at Jowarski Pantanosa y Cenvantes, 40, ng Bugaloon, Pangasinan.
Naaktuhan ang apat na gumagamit ng ilegal na droga.
Nasamsam sa pinangyarihan ang ilang pakete ng umano’y shabu, drug paraphernalia, at drug money.