Ni Argyll Cyrus B. Geducos

Buo na ang pasya ni Pangulong Duterte matapos niyang sabihin na handa na siyang pormal na tapusin ang peace talks sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Ito ay makaraang tanungin ng media ang Pangulo kung kailan isusumite ang pormal na Notice of Termination ng usapang pangkapayapaan.

“Meron pa ba ibang protocol diyan? Ayoko na, sabi ko. Is there any other protocol I have to comply before it becomes final?” tanong ni Duterte. “What is that? Written? Give me a piece of paper and I will write for you, give it to them.”

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Ayon sa Punong Ehekutibo, wala nang maaasahan pa mula sa mga komunistang rebelde kaugnay ng peace talks, at ayaw na niyang sayangin ang oras niya sa mga ito.

“There is nothing to expect any talks so why continue talking? What do you intend to accomplish?”

sabi ni Duterte. “It only ends up at name-calling and shouting. Don’t waste my time there are so many things to do.”

Sa isang panayam kahapon ng umaga ng Brigada News FM, kinumpirma ni Labor Secretary Silvestre Bello III na hindi na nila itutuloy ang negosasyon sa CPP-NPA-NDF kasunod ng pahayag ng Presidente.

Ito ay sa kabila ng paghimok nina Bello, National Security Adviser Hermogenes Esperon, at Peace Process Adviser Jesus Dureza na huwag i-preempt ang desisyon ng Pangulo sa peace talks.

“Wala nang ganoon [pupunta sa Netherlands]. Sinabi na ng Presidente, ‘no more talks’,” ani Bello.