Ni: Light A. Nolasco
BALER, Aurora – Ikinakasa na ng Department of Trade and Industry (DTI)-Aurora at mga micro finance institution sa lalawigan ang implementasyon ng programang “Pondo sa Pagbabago at Pag-asenso” (P3) ng pamahalaan.
Layunin ng P3 na tapatan ang 5-6 na sistema ng pagpapautang ng mga Indian, na para sa gobyerno ay nakagigipit pa, sa halip na nakatutulong sa mga nangangailangan ng pautang, dahil sa malaking interest na sinisingil.