NI: Martin A. Sadongdong

Patuloy ang pagkalat ng sakit sa mga selda sa Pasay City Police headquarters kasabay ng pagkamatay ng isa pang preso dahil sa pneumonia at tuberculosis nitong Miyerkules ng hapon, base sa police report.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Pasay City General Hospital si Rico Ramos, 44, dahil sa communicable acquired pneumonia (CAP) at high-risk pulmonary tuberculosis, ayon sa Drug Enforcement Unit (DEU) ng Pasay police. Siya ay nahaharap sa kaso ng ilegal na droga at inaresto nitong Hulyo 12.

Base sa report, bandang 10:00 ng umaga, dumanas ng matinding pag-ubo at nangisay si Ramos sa loob ng selda ng Pasay-DEU kaya agad itong ipinaalam ni Rommel Brown, kakosa ng biktima, sa mga naka-duty na jail officer.

National

Atong Ang, may posibilidad na nasa Cambodia!—SILG Remulla

Isinugod sa ospital si Ramos ngunit ayon kay Dr. Manny Manalaysay, agad namatay ang biktima, bandang 3:30 ng hapon, dahil sa malalang kondisyon.