Ni: Liezle Basa Iñigo

DAGUPAN CITY - May 13 lugar sa Pangasinan ang nakapagtala ng 46 na kaso ng leptospirosis, at anim ang nasawi sa sakit simula Enero 1 hanggang Hulyo 31, 2017, tumaas ng 44 na porsiyento sa kaparehong panahon noong 2016.

Ayon sa Pangasinan Health Office (PHO), nakapagtala ng mga kaso ng leptospirosis sa Dagupan City, Alaminos City, San Carlos City, Sual, Mabini, Mangatarem, Binmaley, San Fabian, San Jacinto, Sta. Barbara, Alcala, Manaoag, at Tayug.

Nakapagtala rin ang PHO ng 46 na kaso ng leptospirosis simula Enero 1 hanggang Hulyo 31, 2017, kumpara sa 32 kasong naitala noong Enero 1 hanggang Hulyo 31, 2016, o may 44% na pagtaas.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?