NI: Orly L. Barcala

Magsasagawa ng follow-up investigation ang awtoridad sa pagkamatay ng isang Japanese sa Caloocan City kamakailan.

Mismong si retired Police Sr. Supt. Enrique Robles ang nagpunta sa Caloocan Police Station upang hilingin na imbestigahan ang pagkamatay ni Osamo Kawano, 52, mula sa Oita, Japan at tumuloy sa Unit 1, No. 214 Tamban Street, Barangay 16 ng nasabing lungsod na pag-aari ng una.

Ayon kay Robles, nitong Hulyo 21 ay isinugod ni Rosalie Banta, kapitbahay ni Kawano, ang biktima sa Caloocan City Medical Center dahil sa matinding pananakit ng tiyan.

National

Grok, hindi na aalisin sa Pinas—DICT

At makalipas ang limang araw, Hulyo 26, binawian ng buhay si Kawano.

Dahil dito, nais ni Robles na malaman ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng dayuhan dahil malakas naman ito, aniya, at tila walang karamdaman.

Kasalukuyang nakikipag-ugnayan ang awtoridad sa Japanese Embassy para sa medical records ni Kawano.