Ni: Mars W. Mosqueda, Jr.

ASTURIAS, Cebu – Dalawang opisyal ng barangay ang naaresto sa pagpapatuloy ng operasyon ng Cebu Police Provincial Office (CPPO) laban sa droga.

Inaresto kahapon ng umaga sina Mario Tundang, chairman ng Barangay Manguiao; at Camilo Dacaldacal, kagawad ng Bgy. Santa Rita, parehong sa bayan ng Asturias, sa bisa ng search warrant kaugnay ng umano’y pagkakasangkot sa bentahan ng droga.

Nakumpiska mula kay Dacaldacal ang isang medium pack ng shabu, isang Ingram, at iba’t ibang bala.

Probinsya

Bomb threat sa Zamboanga airport, natagpuan sa CR

Isa namang KG 9 pistol ang nasamsam ng mga pulis mula sa ambulansiyang nakaparada sa labas ng bahay ni Tundang.