Ni: Mary Ann Santiago
Magdadaos ng public hearing ang Commission on Elections (Comelec) kaugnay ng posibleng pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Mindanao.
Batay sa dalawang pahinang kautusan na pirmado ni Comelec Chairman Andres Bautista, idaraos ang public hearing sa Agosto 15, ganap na 2:00 ng hapon sa Marco Polo Hotel sa Lungsod ng Davao.
Ang mga interesadong grupo o partido ay maaaring magpaabot ng pagtutol sa panukalang pagpapaliban ng eleksiyon sa Mindanao bago o sa mismong araw ng pagdinig.
Nakatakda ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Oktubre 23, 2017.