Ni: PNA

ISANG pandaigdigang panawagan sa pagkilos ang isinagawa nitong Martes upang mapigilan ang fungal diseases na nakaaapekto sa isang bilyong katao bawat taon, at pumapatay ng 1.5 milyon.

Nakipagtulungan ang mga eksperto mula sa University of Manchester para sa pinakaunang serye ng medical articles para sa fungal diseases sa prestihiyosong journal na The Lancet Infectious Diseases.

Ang serye ay nagbibigay ng bagong pananaw sa lawak ng fungal diseases at panawagan ng pagkilos ng mga organisasyon sa kalusugan sa buong mundo upang maiwasan ang milyun-milyong impeksiyon bawat taon.

Probinsya

Rider na humarang sa nagmamadaling truck ng bumbero, buminggo sa LTO

Sinabi ni Professor David Denning ng University of Manchester, sa Xinhua: “Fungal diseases are killing over 1.5 million a year, or to put it another way more than 3,000 every day. This is three times the number of deaths caused in the world by malaria. Fungal diseases affect over a billion people a year, but they are one of the most neglected topics by public health authorities. However, most deaths from fungal diseases are avoidable.”

Ipinakita sa ulat na ang pinakaseryosong fungal infections ay ‘hidden’ o nakatago, at nangyayari bunga ng iba pang problema sa kalusugan gaya ng asthma, AIDS, cancer, organ transplant at corticosteroid therapies.

Ang lahat ay nangangailangan ng specialized testing para sa diagnosis, at ang pagkaantala o hindi pagsuri nito ay madalas na nauuwi sa kamatayan, seryosong karamdaman o pagkabulag, sinabi ng grupo ng mga eksperto.

Kaya nagpasya ang Journal na ihudyat ang pagwawakas sa pagpapabaya at kinomisyon ang authoritative series ng mga artikulo, na sinasakop ang lahat ng aspeto ng fungal diseases, na nakatuon sa global inequalities sa paggamot.

Pinagsama-sama nito ang mga eksperto sa anim na kontinente.

Nagtulungan sina Denning at Professor Juan Luis Rodriguez Tudela, ng University of Manchester, at ang Global Action Fund for Fungal Infections, sa walong paper series.

Ayon kay Denning: “The massive advances in fungal disease and understanding over the last two decades should have resulted in much better outcomes -- but sadly not in many countries. The first anti-fungal medicines were introduced in 1959, but are still not available in 40 countries.”

Sinabi pa niya na: “Diagnosis can be tricky and these diseases are missed a lot in people for a variety of reasons.

Some of the long names of the diseases are hardwork, and in many parts of the world there is simply no treatment available.”