NAPUTOL ang winning streak ni Janelle Mae Frayna nang maungusan ni fourth seed at kapwa Woman Grandmaster Evgeniya Doluhanova ng Ukraine para makalabas sa top 10 matapos ang anim na round ng Women’s International Open Miyerkules ng gabi (Huwebes sa Manila) sa Erfurt, Germany.
Bago ang pagtatapos ng sixth round, tangan ni Frayna, 21, ang 3.5 puntos para sa ikaanim na puwesto matapos gapiin si WGM Galina Strutinskaia ng Russia at tatlong tabla kina WGMs Joanna Majdan ng Poland at Ilze Berzina ng Latvia at Woman International Master Nino Khomeriki ng Georgia.
Nagwagi siya sa opening round kontra untitled Victoria Wagner ng Germany.
Target ng dating Far Eastern University standout at cum laude na makabawi ng maaga sa pakikipagtuos kay Linda Kruminda ng Latvia sa ikapitong round.
Ang Erfurt tilt ang ikatlong international tournament ni Frayna sa kanyang pagsabak sa European Tour bilang bahagi ng kampanyang makausad sa top 10 sa world ranking.