KUNG tibay at katatagan ang pag-uusapan karapat-dapat na salaminin ng Ford Forza Triathlon Team ang kampanya sa Ironman 70.3 sa Linggo (Agosto 6) sa Cebu City.

Suportado ng Ford Philippines, sasabak ang Ford Forza Team laban sa pinakamahuhusay na triathlete – lokal at foreign – na inaasahang dadagsain ng 2,500 atleta mula sa 45 bansa.

“We are excited to partner with the Ford Forza triathlon team whohas showcased their commitment and dedication to the sport over the years. For years, not only have they gone further, they have also served as an inspiration to a bigger majority because of their life stories and journeys and their motivation to make it big with the sport.With this, we are delighted to rally behind these athletes as they brave through tough challenges and races this year,” pahayag ni Prudz Castillo, AVP for Marketing ng Ford Philippines.

Pangungunahan ni businessman Gianluca Guidicelli, ang Ford Forza team ay binubuo nina actor at car racing circuit driver Matteo Guidicell, Ivan Carapiet, TV host at sports correspondentDyanCastillejo, entrepreneur GiorgiaGuidicelli, cancer survivor Joey Torres, long-time triathletes Elmo Clarabal, Joseph Miller, business manager Ian Solana, triathlon coach Noel Salvador, at businessman Jomer Lim .

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

Idinagdag din sa koponan sina businessmen Romeo Castro at Tyrone Tan, 2013 Pinoy Biggest Loser participants Ralph David Du, Yves Christian Du, sports enthusiasts Patricia Espino, DonikkoFernan, Christian Saladaga, at cyclist Ica Maximo.

Sa mga unang taon ng Ford Forza triathlon team, suportado nila ang pangangailangan ng mga sports enthusiasts na kapos sa oportunidad na makalahok sa torneo. Sa ngayon, sagot na rin ng koponan ang pagsasanay ng mga miyembro para masiguro ang kanilang kahandaan.

“The team is especially driven this time. We have new members, and everyone is just excited to race harder and tougher this year. I have great confidence in my team—we’re strong. We are called ‘Forza’ after all. Having Ford, who is just as tough as we are, to back us up once again, only fuels our desire to keep racing and to keep inspiring,” pahayag ni team member Gianluca Guidicelli.

Nitong Abril, sumabak ang koponan sa Xterra Danao at sa 5150 Subic Bay Philippines nitong Hunyo. Nagsagawa rin ang grupo ng cycling event sa Bohol na nilahukan ng mahigit 1,000 siklista.

Bukod sa Ironman 70.3 Philippines sa Cebu sa Agosto 6, sasabak din ang Ford Forza sa 2017 Mt. Mayon ASTC Triathlon Asian Cup sa Bicol sa Agosto 17 at 5150 Triathlon sa Bohol sa Nobyembre 5.