Ni: Bert De Guzman

Pinagsabihan ni Speaker Pantaleon Alvarez si Bureau of Customs Commissioner Nicanor Faeldon na labag sa batas ang paglikha niya ng Command Center (Comcen) sa BoC.

Sa pagdinig ng House Committee on Ways and Means nitong Miyerkules kaugnay sa pagpupuslit ng P6.4 bilyong halaga ng shabu sa BoC, inamin ni Faeldon na nilikha ang Comcen nang walang administrative order mula sa Secretary of Finance.

Sa ilalim ng kasalukuyang setup ng BoC, tanging ang Comcen ang may awtoridad na mag-isyu ng alert orders, na magpapahintulot sa inspeksiyon ng mga kuwestiyonableng kargamento.

Tsika at Intriga

Habang si Maris namundok: Anthony, pumarty kasama ang Incognito stars

“Hindi ka pupwede gumawa ng kahit anong proseso doon kung walang administrative order coming from the Secretary of Finance. You are not authorized to do it,” giit ni Alvarez.