NI: Rommel P. Tabbad
Inalerto ng weather bureau ang ilang lugar sa Central Luzon sa inaasahang pagbaha bunsod ng habagat at thunderstorm.
Tinukoy ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Service Administration (PAGASA) ang mabababang lugar ng Zambales at Bataan sa mga delikadong malubog sa baha.
Nagbigay ng kaparehong babala ang PAGASA sa mga residente sa Metro Manila, Laguna, Quezon, Cavite at Batangas.
Inaasahan ng PAGASA na tatagal pa ang ganitong panahon hanggang sa mga susunod na araw.
Kasabay nito, nilinaw ng PAGASA na walang bagyo at low pressurea area (LPA) sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR).