Ni: Nora Calderon

ISA sa laging target ng bashings si Alden Richards. Kahit magaganda naman ang ginagawa niya, laging hinahanapan ng butas ng bashers. At kung walang maisira, iniimbentuhan ng kasiraan.

Tulad na lamang nang tumakbo siya palabas ng isang mall sa Antipolo City pagkatapos ng event niya. Marami ang nagalit, bakit daw tinakbuhan ni Alden ang fans, gayong nagpakahirap silang pumunta roon para makita siya.

ALDEN copy copy

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Ipinaliwanag ni Alden ang dahilan ng pagtakbo niya sa interview ng “Chika Minute” ng 24 Oras.

“Kinailangan ko pong gawin iyon dahil nakita ko nang p’wedeng may mga masaktan at magka-stampede kung hindi mapipigilan ng mga security ang mga tao,” say ni Alden. “Ayaw ko pong may mangyaring hindi maganda dahil sa akin.”

Napanood sa Twitter at Instagram ang video kung gaano karami ang mga taong sumugod sa mall para makita si Alden. Pero hindi rin sapat ang security provided ng event organizer, na dumepende lang sa mall security para maprotektahan si Alden at ang fans. Naging unruly ang crowd nang magsimula nang pumirma ng autograph si Alden. Kaya pagkatapos ng show at autograph signing ay dapat na siyang umalis, nakita niyang hindi kakayanin ng security ang mga tao kaya nang makita niyang medyo maluwag na malapit sa door ng mall, tumakbo na siyang mag-isa diretso sa kanyang sasakyan.

Sinagot din ni Alden ang tungkol sa anak daw niya na matagal nang iniisyu sa kanya gayong youngest sister niya ang tinutukoy na bata. Maging ang ama nila ay nagpaliwanag nang anak niya ang itinuturong bata at hindi kay Alden.

Simple lamang ang sagot ni Alden: “wala po akong anak.”

Pero ang tunay na fans (AlDub Nation) nila ni Maine Mendoza, buo ang tiwala kay Alden at ipinagtanggol siya.

Humihingi sila ng proof sa nagkakalat ng tsismis na anak nga ni Alden ang bunsong kapatid.

Samantala, magsisimula na ang mag-shooting nina Alden at Maine ng kanilang second movie na ididirihe uli ni Mike Tuviera right after ng training nila ng martial arts. May gagawin din siyang project under GMA News and Public Affairs to be directed by Adolf Alix, Jr. Wala pang details ang said project pero malapit na rin itong simulan.

Sa August 13, may show ang Pambansang Bae sa Houston, Texas, ang “Fiesta Ko” para sa mga kababayan natin doon, na handog ng GMA Pinoy TV. Aalis siya ng ‘Pinas sa August 11, darating siya ng Houston ng August 12, tuloy rehearsal, August 13 ang show, aalis siya roon ng August 14 at August 15, nandito na siya diretso sa Eat Bulaga.