Ni: Samuel P. Medenilla

Muling binigyang-diin ng Department of Labor and Employment (DOLE) kahapon na boluntaryo ang bagong overseas Filipino workers Identification Cards (OFW ID) program.

Sa isang panayam, idiniin ni Labor undersecretary Ciriaco Lagunzad III na hindi pipilitin ang OFWs na kumuha ng ID.

“Is there a law that compels them? There is none. We are just saying that if they get the ID then their life will be more convenient,” paliwanag ni Lagunzad.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Naglabas ng pahayag ang labor official sa gitna ng mga pag-aalala ng ilang bumabatikos sa OFW ID, na ang programa ay magiging dagdag gastusin para sa OFWs.