Ni: Marivic Awitan

Mga laro sa Sabado

Fil-Oil Flying V Center

(Semifinals)

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

10 a.m. – Megabuilders vs Air Force (m)

1 p.m. – Cignal HD vs Sta. Elena

4 p.m. – Creamline vs BaliPure (w)

6:30 p.m. – Pocari Sweat vs Hair Fairy Air Force (w)

Nakalusot ang Sta. Elena Construction sa matinding hamon ng Army sa third set para maiposte ang 25-17, 25-19, 29-27 panalo kahapon at makamit ang pang-apat at huling semifinal berth sa men’s division ng Premier Volleyball League Open Conference sa Fil-oil Flying V Center sa San Juan.

Nagtala ang league-leading scorer na si Berlin Paglinawan ng match-best 20 puntos na kinabibilangan ng 18 kills, upang pamunuan ang Wrecking Balls kontra Troopers patungo sa Final Four kung saan nakatakda nilang makaduwelo ang top seeded Cignal TV HD Spikers.

Nagwagi ang Sta. Elenakontra Café Lupe sa pagtatapos ng elimination round upang tumapos na katabla ng Army sa fourth place taglay ang barahang 4-3, panalo-talo na naging daan para magkaroon sila ng sudden death match para sa huling semis seat.

Sa isa pang semis pairing, magtatapat ang No. 2 Mega Builders at ang third seed at defending champion Air Force.

Idaraos ang Final Four bago simulan ang semifinals ng women’s division ng mid-season conference ng ligang inorganisa ng Sports Vision.

Nag-ambag naman sina Isaah Arda, Paolo Publico at Israel Encina ng tig-10 puntos sa nasabing panalo ng Wrecking Balls na tinalo na rin nila noong elims, 25-15, 22-25, 25-21, 25-23.

“The boys were just determined to get the win,” pahayag ni Sta. Elena coach Arnold Laniog.