Ni Nicole Cordoves

Lahat tayo ay may pangarap. Mayroon din tayong mahabang listahan ng mga dahilan na pumipigil sa atin sa pag-abot sa mga ito. Ngunit mayroong isang babae na nagpatunay na hindi siya ang tipong mahahadlangan.

Model Maureen Wroblewitz during an exclusive interview with the Manila Bulletin. Wroblewitz a Filipino-German model, was the first Filipino who won in the Asia's Next Top Model reality TV show. (JAY GANZON)
Model Maureen Wroblewitz during an exclusive interview with the Manila Bulletin. Wroblewitz a Filipino-German model, was the first Filipino who won in the Asia's Next Top Model reality TV show. (JAY GANZON)

Sa edad na 13, nagsimulang mangarap maging modelo si Maureen Wroblewitz. Pagsapit ng 19-anyos, kinilala siya bilang unang Pinay na nanalo sa Asia’s Next Top Model makalipas ang limang taong “almost” para sa Pilipinas.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Ano nga ba ang nakita ng mga hurado kay Maureen?

“I think it’s just who I am as a person because I was just me all throughout the show… I’m grounded and I want to stay grounded. Just because I’m Asia’s Next Top Model now, I want to show people that I’m the same person and that I’m not better than anyone else.”

Mailalarawan ang naging karanasan ni Maureen na hindi kapani-paniwala. Lahat ng nangyari ay hindi umayon kay Maureen kung babalikan niya ang mga pagsubok na kanyang hinarap, mula sa kanyang taas: siya ay 5’6”, na ikinukonsiderang maliit para sa mga modelo.

At dahil nalamangan ng bagitong modelo na walang karanasan, pinagdiskitahan siya ng mga babae at sinabing, “You don’t deserve to be in this competition.” Tinawag din siyang “just a pretty face”. Ngunit binalewala lang ito ni Maureen at rumampa sa finish line, pinatunayang “success is the sweetest revenge” laban sa mga taong hinihila ka pababa.

Kung tutuusin, puwedeng-puwedeng labanan ni Maureen ang mga nang-insulto sa kanya ngunit sinabi niya na hindi ito ang kanyang istilo. “I tried my best to prove them wrong and show them that I deserve to be part of the competition as much as I also deserve to win the competition.”

Ngunit hindi sa pagkakapanalong Asia’s Next Top Model nagtapos ang mga pagsubok para kay Maureen. Makakasalamuha pa rin niya ang mga dating katunggali sa contest, at inamin na may mga pagkakataong nai-insecure siya.

“Just believe in yourself and trust your instincts and surround yourself with positive people who love you and support you.” At nang tanungin kung uulitin niya ang kahit anong episode sakaling bigyan ng pagkakataon, sinabi niya na siya “would have just trusted her instincts and do crazy poses instead of holding back.”

Kapansin-pansin ang pagiging malambing at mahinahon ni Maureen. Hindi aakalaing isang 19-anyos siya dahil sa pagdadala niya sa kanyang sarili— bitbit niya ang lahat ng aral na kanyang natutuhan.