Ni: Rommel P. Tabbad

“Not guilty, your honor”.

Ito ang inihayag ni dating Metro Rail Transit (MRT) Line 3 general manager Al Vitangcol III kaugnay ng kinakaharàp na kasong graft sa Sandiganbayan dahil sa umano’y nabigong pangingikil sa mga kinatawan ng kumpanyang Czech na Inekon noong 2012.

Ayon sa anti-graft court, kasama rin ni Vitangcol sa kaso ang negosyanteng si Wilson de Vera.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Nag-ugat ang kaso sa diumano’y tangkang pangingikil ng pera ni Vitangcol sa Inekon para sa supply ng karagdagang light rail vehicles (LRV) at maintenance ng MRT sa ilalim ng P3.7-bilyong MRT-3 expansion project noong 2012.