Ni: Marivic Awitan

Nakapuwersa ng draw si Filipino Woman Grandmaster Janelle Mae Frayna kontra sa seventh seed Latvian Woman International Master na si Nino Khomeriki upang manatiling walang talo matapos ang apat na four rounds ng Women’s International Opensa Erfurt, Germany noong Martes ng gabi.

Dahil sa draw, nanatili ang 21-anyos na si Frayna na nasa 6-player tie sa sixth spot taglay ng tatlong puntos, isang puntos ang pagkakaiwan sa solong lider at top seed na si IM Subbaraman Vijayalakshmi ng India at may kalahating puntos naman ang pagkakaiwan kina WIM Karolina Olsarova ng Czech Republic at WGMs Mitra Hejazipour ng Ireland, Jovana Rapport ng Serbia at Mihaela Sandu ng Romania.

Naglalaro si Frayna bilang 6th seed at isa pang Latvian WGM na si Ilze Berzina sa fifth round habang isinasara ang pahinang ito kahapon.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nauna nang tinalo ng dating Far Eastern University standout ang 8th seed na si Russian WGM Galina Strutinskaia sa loob ng 38 moves ng super-sharp Sicilian duel.

Nakatakda na sanang i-checkmate ni Frayna si Strutinskaia sa dalawang moves ngunit bigla itong umayaw.

Ang Erfurt tilt ang ikatlong torneo na sinalihan ni Frayna mula ng kanyang simulan ang kanyang European campaign sa hangaring makapasok sa top 10 ng world’s women’s rankings.

Nagtala siya ng anim na panalo at walong draws kontra sa all male players sa unang dalawang torneo na kanyang sinalihan-ang 19th Obert International Saint Marti at 43rd Open International D’Escacs Vila de Sitges noong nakaraang buwan sa Spain.

Sa dalawang nasabing torneo, nakakuha si Frayna,ang unang WGM ng bansa na may FIDE rating na 2235 ng 25 rating points na magbibigay sa kanya ng men’s IM title kapag inabot na niya ang 2400-rating plateau.