Ni: Reggee Bonoan

HABANG tinitipa namin ang balitang ito ay naghihintay kami ng invitation para sa welcome presscon ng Dreamscape Entertainment kay Aljur Abrenica na kasama na sa isang programang pinamamahalaan ni Mr. Deo Endrinal.

Wala kaming sagot na nakuha mula sa ABS-CBN kung saang programa ipapasok o masasama si Aljur na kasalukuyang umeere, sa FPJ’s Ang Probinsyano, Wansapanataym Presents o Ikaw Lang Ang Iibigin.

O baka naman sa mga bagong programa tulad ng Victim of Love? Hindi naman siya puwede sa Promise of Forever nina Ritz Azul at Paulo Avelino dahil naka-can na raw, ayon mismo sa aktres nang huli naming makatsikahan sa Celebrity screening ng Kita Kita.

Mark Anthony Fernandez, nadaya kaya wala pang acting award?

Baka naman sasabak muna sa mahabang workshop si Aljur bago isalang dahil kailangan niyang paghandaan ang makakatrabaho niya sa mga programa ng Dreamscape Entertainment or else maiiwan siya.

Anyway, sana sa pagkakataong ito, mabago na ang pakikipag-usap ni Aljur sa entertainment media, kasi may pagkataklesa rin siya na nagiging dahilan kaya siya nasusulat ng hindi maganda.

Welcome to Kapamilya Network, Aljur Abrenica.

(Editor’s note: Ayon sa ad-prom director ng Dreamscape na si Eric John Salut, gaganap si Aljur sa Ang Probinsyano bilang si Miguel. May post siya sa social media na nakasakay sa kabayo si Aljur.)