Ni: Carla N. Nanet
BACOLOD CITY – Matapos ang mahigit 20 taon, muling binuksan ang maliit na airport sa isang dating minahan sa lungsod ng Sipalay.
Ayon kay Mayor Oscar Montilla, ang paglulunsad ng kauna-unahang Sipalay-Cebu at Sipalay-Iloilo flights ng Air Juan kahapon sa dating minahan ay makatutulong sa pagsigla ng turismo sa timog-kanluran ng Negros Occidental.
Dagdag pa ni Montilla, ang maliliit na eroplano ay maaaring magbaba at magsakay ng pasahero sa airstrip na dating pagmamay-ari ng Maricalum Mining Corp., na pinagkukunan umano ng tanso bago ito magsara noong 1996.
Bago naglunsad ng commercial flights, ang mga turistang magpupunta sa Sipalay ay dadaan pa sa Bacolod-Silay Airport, na mahigit apat na oras kung ibibiyahe biyahe.