Mistulang nabunutan ng tinik sa kanyang dibdib, masigla sa kanyang pagdalo sa nakaraang dalawang ensayo ng Gilas Pilipinas si Alaska forward Calvin Abueva pagkaraan siyang bigyan ng isa pang pagkakataon ni coach Chot Reyes na makalaro kasunod ng ultimatum na ibinigay sa kanya sanhi ng hindi niya pagdalo sa naunang ensayo ng koponan na nakatakdang sumabak sa FIBA Asia Cup sa Lebanon.

calvin abueva copy

“Sobrang saya ko na nakabalik ako dito,” ani Abueva.

“Parang second chance ko na ito e. Thankful lang ako na nandito ako ulit.”

Human-Interest

'Sailor Moon' ng Lapu-Lapu City natuli na, may ₱10k pa!

Matapos na bumagsak ang kanyang koponang Alaska sa ika-10 nitong sunod na kabiguan noong Hulyo 22, nagsimula ng hindi magpakita si Abueva kapwa sa Aces at sa Gilas.

Ayaw ng ungkatin pa ni Abueva ang mga nangyari sa kanya sa nakalipas na linggo sa halip ay tiniyak niyang wala na siyang anumang inaalalang personal na problema.

“Ngayon, handa na ako. Wala na akong iniisip kung hindi yung Gilas at yung Alaska,” ayon pa kay Abueva.

“Naayos ko na yung dapat kong ayusin. Focus na ako ngayon sa trabaho.”

Nagpahayag din siya ng kalungkutan sa nangyari ngayon sa Alaska. “Sino bang may gustong matalo di ba? Dumadaan talaga sa ganun ang bawat team.”

“Yung sa Phoenix akala namin panalo na kami nun kung hindi dun sa tira ni RJ [Jazul] at nung import nila. Yung sa NLEX, lahat ng tira nila nun nashoo-shoot.Siguro hindi lang para sa amin yun.”