Ni: Czarina Nicole O. Ong

Iniutos ng Office of the Ombudsman ang pagsibak sa ilang opisyal ng binuwag nang National Agribusiness Corporation (NABCOR), National Livelihood Development Corporation (NLDC), at Technology Resource Center (TRC) sa kanilang pagkakasangkot sa P47.5 milyong PDAF scam mula 2007 hanggang 2009.

Bukod sa pagkakasibak, pinatawan din sina NABCOR Manager Romulo Relevo at Bookkeeper Maria Ninez Guañizo; NLDC Directors Emmanuel Alexis Sevidal at Chita Jalandoni, at Division Chiefs Gregoria Buenaventura, Ofelia Ordoñez at Sofia Cruz; TRC Chief Accountant Marivic Jover at Budget Specialist Consuelo Espiritu ng parusang kanselasyon ng eligibility, forfeiture ng retirement benefits, at diskwalipikasyon sa pagtatrabaho sa gobyerno.

Ang mga nasabing opisyal ay napatunayang nagkasala ng Grave Misconduct, Serious Dishonesty at Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service sa ilegal na paggamit mula 2007 hanggang 2009 ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) ni dating 1st district Representative Marina Clarete ng Misamis Occidental.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji