Ni: Lyka Manalo

BATANGAS - Sugatan ang dalawang lalaki matapos umanong makaengkwentro ng mga awtoridad sa magkahiwalay na lugar sa Batangas.

Nilalapatan pa ng lunas sa Laurel General Hospital sa Tanauan City si Gregorio Ruedas Burgos.

Nakipagpalitan umano ng putok ang suspek sa mga awtoridad sa buy-bust operations sa Barangay Boot sa lungsod, dakong 3:45 ng umaga kahapon.

Probinsya

Truck na naghatid ng mga balota sa Bukidnon, nahulog sa bangin; isa patay!

Narekober umano mula sa suspek ang isang .45 caliber pistol, isang .38 caliber revolver, at mga bala, gayundin ang isang sachet ng hinihinalang shabu at drugs paraphernalia.

Nabaril naman sa paa ang isa pang suspek na si Toribio Ilagan matapos umanong paputukan ang mga pulis na rumesponde sa reklamong indiscriminate firing sa isang inuman sa Bgy. Paraiso sa Calatagan, dakong 4:30 ng hapon nitong Martes.

Naaresto naman ang isa pang suspek na si Joemar Marasigan, na nasamsaman ng isang cal 5.56, isang M16 rifle at isang .45 caliber pistol na may mga bala.