Ni: Fer Taboy

Ginagamot ngayon sa isang pampublikong ospital ang dalawang bata na nasugatan sa isang malakas na pagsabog sa Maguindanao.

Ayon sa report ng Maguindanao Police Provincial Office (MPPO), dakong 11:10 ng gabi nitong Martes nang mangyari ang pagsabog sa Sitio Pendaliday, Barangay Dalican sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Kinilala ang mga biktimang sina Najer Salik, 12; at Alibai Salik, 13, kapwa residente sa lugar.

Probinsya

Truck na naghatid ng mga balota sa Bukidnon, nahulog sa bangin; isa patay!

Batay sa imbestigasyon ni SPO4 Datukon Mantawil, ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police, sumabog ang isang bala ng M79 grenade launcher sa harap ng isang boarding house sa lugar at nasugatan ang dalawang bata.