Ni: Nitz Miralles
MULI palang binisita ni Solenn Heussaff ang mga sundalo na naka-confine sa Armed Forces of the Philippines Health Command Center (hindi kami sure kung ito rin ang V. Luna Medical Center). Noong una siyang bumisita, nangako si Solenn na babalik na kanyang tinupad noong July 21.
Binasa namin ang blog ni Solenn na Solenn.ph at doon ikinuwento ang experience niya sa dalawang pagbisita sa mga sundalo na nakipaglaban sa Marawi City. Ikinuwento ni Solenn na hindi niya napigilang umiyak nang makita ang kalagayan ng mga sundalo lalo na ‘yung isang nabulag. Kung babasahin n’yo ang blog ni Solenn, tiyak na maiiyak din kayo.
Sabi ni Solenn sa kanyang blog: “I’m not writing this to seek attention for myself, but because I really believe that the stories of our soldiers -- our heroes -- need to be told. I really don’t know why I am writing this. Perhaps, I am hoping that some of you will help put a smile back on their faces. They have many stories to talk about-sad ones, but also happy ones. Some even have miracles to tell, while others simply want an opportunity to share a joke.”
Anyway, after Encantadia, muling mapapanood si Solenn na nag-aaksiyon sa Alyas Robin Hood 2 bilang vigilante lawyer at isa sa leading ladies ni Dingdong Dantes. Malapit na ang airing nito sa GMA-7.