NI: Chito A. Chavez

Ipinatatawag ng Land Transportation Office (LTO) ang motorcycle rider at ang driver ng SUV na nagkabanggan sa Nagtahan sa Maynila nitong Hulyo 15, kung saan napuruhan ang pasaherong nakaangkas sa motorsiklo.

Kasalukuyan pa ring comatose si Alejandro Cajano, 23, ang angkas sa motorsiklo na nag-book ng biyahe gamit ang Angkas app.

Nais alamin ni LTO chief at Transportation Assistant Secretary Edgar Galvante ang sanhi at detalye ng aksidente.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nais din niyang malaman ang mga patakarang sinuway ng magkabilang panig, kabilang ang pagsusuri sa lisensiya at rehistro ng mga ito.

Gayunman, pinanindigan ni Galvante na walang jurisdiction ang LTO sa Angkas app.

Nanawagan din si Galvante sa publiko na huwag lamang isaalang-alang ang pagiging kumportable o maginhawa ng biyahe kundi maging ang kaligtasan kung sasakay sa mga pampublikong sasakyan.

Una nang nilinaw ng Angkas app na wala itong pananagutan sa aksidente, at sinabing ang gawain lang nito ay mag-book ng biyahe ng mga kliyente.