Ni: Rommel P. Tabbad
Kinasuhan ng graft sa Sandigànbayan si dating Leyte Rep. Eduardo Veloso dahil sa umano’y maanomalyang paggamit ng P24 milyong pork barrel fund noong 2007.
Bukod sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, kinasuhan din si Veloso ng 2 counts ng Malversation.
Paliwanag ng field investigators ng Ombudsman, nasayang lamang sa ‘ghost’ projects ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) ni Veloso sa naturang taon na dapat ay napunta sa livelihood at development projects ng lalawigan.