Ni NITZ MIRALLES

PORMAL nang winelcome sa ABS-CBN si Aljur Abrenica sa post ng isang bossing ng network na, “Welcome Kapamilya @ajabrenica.”

aljur copy

Sa photo na nakita namin, kasama ni Aljur sina Cory Vidanes, Direk Lino Cayetano at Jon Ilagan, husband ni Viva Artist Agency Head Veronique del Rosario-Corpus.

KILALANIN: Bikolanang kakanta ng pambansang awit sa SONA 2024

Matatandaang nabalita ring nag-go see si Aljur sa ABS-CBN a few weeks ago at doon pa lang, alam nang ang kasunod noon ay magiging Kapamilya na siya at maisasama na sa shows ng Kapamilya Network.

Nangyari na nga, Kapamilya talent na si Aljur at kasama na niya sa ABS-CBN ang kapatid na si Vin Abrenica. Ang hintayin na lang natin ay kung ano ang magiging unang show ni Aljur sa Dos.

Sa Instagram, nag-post si Aljur ng kanyang dalawang paa at may caption na “Moving forward.” May picture rin siyang kasama si Vice Ganda at na-starstruck daw siya. May picture rin si Aljur with Dreamscape people kasama si Deo Endrinal.

Inunahan na rin ng Kapamilya fans na susunod na si Kylie Padilla kay Aljur sa paglipat sa ABS-CBN. Ang sabi ng Kapamilya fans, ang susunod na show ni Kylie pagkapanganak ay sa ABS-CBN na.

Abangan na lang natin kung susunod nga si Kylie kay Aljur sa ABS-CBN, pero ang alam namin, may kontrata pa sa GMA-7 si Kylie. May nabasa nga kami na hinihintay lang makapanganak, makapagpahinga at bumalik ang lakas ni Kylie at sa November, bibigyan siya ng show ng Kapuso Network.