Ni: Joseph Jubelag

GENERAL SANTOS CITY - Inaresto ng mga operatiba ng pulisya at militar nitong Lunes ang tatlong pinaghihinalaang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Maasim, Sarangani.

Tinukoy ni Supt. Romeo Galgo, regional police spokesperson, ang mga inaresto na sina Jojo Bulahing, alyas ‘Bunso’; Yasmin Atong, alyas Gab; at Raymond Damo, alyas Tata, na umano’y mga miyembro ng NPA Guerilla Front 73 na pagala-gala sa Sarangani at South Cotabato.

Ayon kay Maasim Police chief Supt. Canieso Golwingan, inaresto ng mga pulis at mga tauhan ng 27th Infantry Battalion ng Philippine Army ang mga suspek sa safehouse ng mga ito sa Barangay Kablacan, Maasim.

Probinsya

Truck na naghatid ng mga balota sa Bukidnon, nahulog sa bangin; isa patay!

Inaresto si Bulahing sa bisa ng arrest warrant sa kasong pagpatay.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang dalawang granada, isang radyo, isang solar panel, medicine kits at mga subersibong dokumento.

Tinitingnan din ng mga awtoridad ang posibleng kinalaman ng mga suspek sa panununog sa mga pampasaherong bus, van at heavy equipment matapos umanong sumablay ang may-ari sa pagbabayad ng tax sa NPA.