Ni: Marivic Awitan

WALANG star player sa Gilas Pilipinas at ipinahayag ni national coach Chot Reyes na hindi siya mangigiming magsibak ng player.

Ito ang ipinahiwatig bilang babala ni Reyes kay Alaska star player Calvin Abueva matapos mabigo ang one-time MVP na dumalo sa ensayo ng Gilas Pilipinas mula pa nitong Huwebes.

abueva copy

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Nakatakdang sumabak ang Gilas sa FIBA Asia Cup sa Agosto 8 sa Lebanon.

“If he doesn’t come by tomorrow, we’re going to be forced to drop him. We have no other recourse,” pahayag ni Reyes.

Nagsimulang magbalik ensayo ang Nationals nitong Huwebes sa Meralco gym sa Pasig City.

Ayon sa pamunuan ng Alaska, may inaasikasong personal na problema si Abueva kung kaya hindi ito nagpapakita.

“He’s got some personal matters to take care of,” paliwanag ni Alaska coach Alex Compton.

At dahil papalapit na ang FIBA Asia Cup, nauubos na rin ang pasensya ni Reyes. “There’s no news. We’re trying to contact him through Alaska, through their team manager, but there’s none.”

Gayunman, umamin ang Gilas mentor na wala pa siyang naiisip na puwedeng ipalit kay Abueva kung sakali. “That’s the big problem. I’m still yet to think about it,” ani Reyes.

Magiging malaking dagok muli para sa Gilas kung mawawala si Abueva na huling naglaro para sa Nationals noong 2016 Seaba Championship lalo pa ‘t hindi rin lalaro sa koponan ang naturalized big man na si Andrew Blatche.