NI: Marivic Awitan

NAKAMIT ng TAGUM-PNP, Southwestern University at University of Negros Occidental-Recoletos ang nakalaang mga spots sa women’s national beach volleyball pool makaraang tumapos na top 3 sa BVR on Tour National Championship nitong weekend sa Anguib Beach sa Sta. Ana, Cagayan.

Tinalo ng tambalan nina Karen Quilario at Lot Catubag ng Tagum ang UNO-R pair nina Erjane Magdato at Alexa Polidario, 21-10, 21-12, habang pinataob ng pareha nina Dij Rodriguez at Therese Ramas ng Cebu ang kambal ng San Beda na sina Nieza at Ella Viray, 21-13, 21-16,para maangkin ang unang dalawang national pool berths matapos ang semifinals.

Ang huling spot ay napunta kina Magdato at Polidario na nanaig kontra sa Viray twins, 17-21, 21-12, 15-9, sa kanilang bronze medal match.

Ang tatlong pareha ay makakasama sa national training pool para sa Southeast Asian beach volleyball championships sa Singapore sa susunod na buwan.

Mantra ni Alex Eala: ‘Wag magduda!

Pormal namang inangkin nina Quilario at Catubag ang women’s championship matapos igupo sina Rodriguez at Ramas sa Finals, 21-7, 21-19,.

Sa men’s division, napunta naman ang national beach volleyball pool slots kina Jade Becaldo at Rommel Pepito ng Cebu at University of Santo Tomas’ bets KR Guzman at Anthony Arbasto.