Ni: Nora Calderon

LAHAT ng television channels sa Pilipinas ay State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ipinalabas noong nakaraang Lunes. Parehong-pareho ang ipinalabas nila kasi iisa lang naman ang pinagmulan ng feed ng mga network. At napahaba man kaysa inaasahan ang speech ng pangulo, walang bumitaw sa kani-kaniyang live coverage.

Pero kahit iisa lang ang pinalabas nila, may lalamang at lalamang pa rin. Just like last Monday, lumabas na mas maraming viewers na tumutok sa coverage ng GMA-7.

Puwedeng basahin ito as a clear message na mas marami ang nagtitiwala sa Kapuso Network pagdating sa importanteng pagbabalita.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Siyempre nga naman, since big news day last Monday, hindi ka na magpapalipat-lipat ng channel, doon ka na agad sa trusted mong istasyon.

Speaking of trust, usap-usapan kung nakakaapekto na kaya sa kredibilidad ng ABS-CBN ang patuloy na pagtira sa kanila ni Pangulong Duterte? Ilang beses kasi silang nabanggit sa SONA last Monday. Hindi naman imposible ito, di ba?