NI: Marivic Awitan
SA pamumuno ni LA Tenorio naging madali para sa Barangay Ginebra ang lusutan ang hamon ng GlobalPort at maitala ang unang panalo sa PBA Governors’ Cup.
Nagtala 5-foot-9 na Batangueño ng 29 puntos na kinabibilangan ng limang three-point shots para pamunuan ang Kings sa 124-108 paggapi sa Batang Pier noong Linggo.
Nagtala rin ang 2-time PBA Finals MVP, ng 5 rebounds at 4 assists sa kanyang performance na naging daan upang magwagi siya bilang ikalawang PBA Press Corps Player of the Week ngayong conference.
Tinalo ng 33-anyoa na si Tenorio sina Kevin Alas, Carlo Lastimosa at Alex Mallari ng NLEX, TNT’s veteran guard Jayson Castro at kakampi nitong si Troy Rosario, Star’ guard Paul Lee at big man Ian Sangalang, San Miguel center June Mar Fajardo at shooter Marcio Lassiter, Meralco guard Jared Dillinger at forward Reynel Hugnatan gayundin ang kakampi nyang si Greg Slaughter.
Ayon kay Tenorio ang pagiging kumpleto ng Ginebra’s front court sa pamumuno nina Slaughter, Japeth Aguilar at Joe Devance ang nagpadali sa kanila para umiskor dahil kumpiyansa silang may kukontrol ng boards.
“Kumpyansa ako kasi apat akong malaki sa ilalim. malaking bagay yun. I think masyadong nakafocus sa ilalim kaya na-oopen up mga guards sa labas,” ani Tenorio.
Ngunit naroon naman ang hamon kung paanong mapapanatili o mahihigitan pa ang ipinakita nilang magandang performance.
“It’s gonna be a big test for us also kung paano namin masu-sustain yung game.”