Ni: PNA

INAPRUBAHAN kamakailan ng Philippine Charity Sweepstakes Office na magkaroon ng “At Source Ang Processing” (ASAP) desk ang tatlong ospital sa Cordillera Administrative Region, at naghihintay na lamang ng implementasyon ang mga ito.

Ito ang kinumpirma kamakailan ni Philippine Charity Sweepstakes Office-Benguet Branch Manager Ernieli P. Dancel.

Ang tatlong pagamutan ay ang Baguio General Hospital and Medical Center, ang Benguet General Hospital, at ang Luis Hora Memorial Regional Hospital sa Mountain Province.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Sa isang panayam nitong Sabado ng hapon, sinabi ni Dancel na ang pagkakaroon ng ASAP desk sa mga ospital ay makatutulong upang alisin ang burukrasya at gawing mas madali para sa mga pasyente ang paggamit ng Individual Medical Assistance Program (IMAP) ng Philippine Charity Sweepstakes Office.

“Patients do not need to go to PCSO offices anymore to file requests for health or medical assistance as this can be conveniently done through the ASAP desk,” aniya.

Inilunsad noong 2015, layunin ng ASAP na mapadali ang proseso para sa mga pasyente upang makakuha ng medical assistance sa pamamagitan ng IMAP, na magiging daan upang makapagbigay ng magandang serbisyo ang Philippine Charity Sweepstakes Office sa mga kliyente.

“With the ASAP desk, patients need not go through long queues to seek assistance for treatment and medication that includes chemotherapy and dialysis,” ani Dancel.

Ayon sa tala ng Philippine Charity Sweepstakes Office, sa datos nitong Hunyo 30 ay may kabuuang 44 na institusyon na ang mayroong ASAP desk sa buong Pilipinas.