Ni: Ariel Fernandez

Itinanggi ng Office Transportation Security (OTS) na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)-Terminal 3 ang mga kumakalat na alegasyon sa social media na isang pasaherong Korean ang nabiktima ng “tanim bala” habang paalis nitong Linggo ng umaga.

Sinabi ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal, lumutang sa imbestigayson na ang babaeng Korean student ay hindi idinetine sa paliparan kundi pinayagang sumakay sa Cebu pacific flight patungong South Korea matapos makuhanan ng mga tauhan ng OTS ng bala ng 38 caliber sa kanyang bagahe.

Naniniwala si Monreal na ang diumano’y biktima ay nakalusot sa dalawang x-ray machines at nahuli sa final bag-check, kung saan nadiskubre ang bala sa bulsa ng isang jacket sa bagahe.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Sinabi ng isang opisyal ng OTS na ipinaliwanag nila sa pasahero, sa pamamagitan ng isang interpreter, na ipinagbabawal ang bala at kinumpiska ito, at pinayagan nang umalis ang pasahero.

Isinapubliko naman ng DOTr ang dalawang matagumpay na pagkakasabat ng mga armas sa NAIA-Terminal 3.

Sinabi ni Undersecretary. Art Evangelista, administrator ng OTS, na pinaalalahanan nila ang lahat ng pasahero na i-double check ang kanilang mga bagahe upang matiyak na walang nakalagay na “prohibited items” upang hindi maabala ang kanilang biyahe.

Batay sa record, nasabat ng OTS sa trolley bag ng pasaherong Fil-American na si Wilfredo Abelardo, ang isang caliber 0.9mm pistol na may dalawang magazine at 18 bala. Sinabi ni Abelardo na ang bag na naglalam ng bala ay nabitbit ng airport porter mula sa kanilang sasakyan. Kinasuhan si Abelardo ng illegal possession of firearm and ammunition matapos walang maipakitang kauukulang dokumento.

Nadiskubre naman ang isang dismantled caliber .45 pistol mula sa backpack ni Verlyn Valenciano, 36-anyos, patungong Dumaguete. Kinasuhan siya ng paglabag sa RA 10591.