Ni: Beth Camia

Mahigit P300,000 halaga ng ilegal na droga at patalim ang nasamsam ng awtoridad sa pagsalakay sa New Bilibid Prison (NBP) nitong linggo.

Ayon sa Bureau of Corrections (BuCor), nasa kabuuang P313,000 halaga ng droga ang nakuha sa loob ng pambansang piitan; P196,000 mula sa maximum security compound at P117,000 sa medium security compound.

Nakumpiska rin sa mga inmate mula sa medium security compound ang 131 cell phone, limang pocket wi-fi unit, 404 improvised bladed weapons, 63 paddle, 24 na portable DVD, apat na router, at walong pakete ng hinihinalang shabu.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Sa maximum security compound, nasamsam ang pitong cell phone, 13 patalim, limang screwdriver, tatlong kutsilyo, isang martilyo, isang telebisyon, isang TV cable convertible, at diver’s watch.