Ni: Mary Ann Santiago at Leslie Ann G. Aquino

Nanganganib na matanggal sa pagka-pari si Monsignor Arnel Lagarejos sa oras na mapatunayang nagkasala sa tangkang pang-aabuso sa isang 13-anyos na babae sa Marikina City kamakailan.

Ito ang tiniyak ni Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz, na itinalagang tagapagsalita ng simbahan at siya ring nag-iimbestiga sa kaso ng monsignor bilang Judicial Vicar ng National Appellate Matrimonial Tribunal (NAMT) ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), sa kasong kinakaharap ni Lagarejos.

Nabatid na ang CBCP-NAMT ay sariling korte ng Simbahang Katoliko na umaasikaso sa mga sexual allegations laban sa mga miyembro nito.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

IDUDULOG SA VATICAN

Nakatakdang ipadala ang kaso ni Lagarejos sa Vatican.

Sa isang panayam, sinabi Cruz na kasalukuyan siyang nangangalap ng ebidensiya kaugnay ng kaso ni Lagarejos.

“I’ll prepare the (pedophilia) case and then send it to Rome. Vatican will then send the decision to the bishop. It’s up to him if he will divulge it (decision),” ani Cruz.