NI: Leo P. Diaz

TACURONG CITY, Sultan Kudarat – Isang 19-anyos na estudyante ng Sultan Kudarat State University (SKSU) ang nasawi makaraang barilin habang nakaupo sa labas ng kanyang tinutuluyang bahay sa Daang Del Pilar sa Barangay Poblasyon sa Tacurong City, Sultan Kudarat.

Kinilala ng Tacurong City Police ang biktimang si Ebrahim Pasandalan, 19, binata, estudyante ng SKSU, at taga-Datu Paglas, Maguindanao.

Ayon sa report, dakong 1:20 ng umaga nitong Biyernes nang barilin si Pasandalan, na kaagad nasawi makaraang masapol ng bala sa dibdib.

Probinsya

Pagpapapako ni Ruben Enaje sa krus, matutuldukan na ngayong taon?

Inaalam pa ni SPO2 Jasper Garcia ang motibo sa pagpatay sa binata, na ayon sa kanyang pamilya ay isang mabait na anak at walang kaaway.