Ni: Marivic Awitan

Mga laro ngayon

(Ynares Sports Arena, Pasig)

3 p.m. - CEU vs Racal Motors

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

5 p.m. - Flying V vs Batangas

GANAP na mawalis ang elimination round ang tatangkain ng Flying V, huling twice-to-beat incentive ang target naman ng katunggali nilang Batangas at makasiguro ang pagpasok sa quarters ang asam ng Centro Escolar University sa pagtatapos ng 2017 PBA D League Foundation Cup preliminaries ngayong hapon.

Magtutuos ang Thunder at ang mga Batangueños sa tampok na laban ganap na 5:00 ng hapon kasunod ng tapatan ng CEU Scorpions at ousted ng Racal Motors ganap na 3:00 ng hapon.

Hangad ng Thunder na makumpleto ang 10-game sweep sa eliminations sa kanilang maiden conference habang magsisikap naman ang Batangas na maitala ang ikapitong panalo na awtomatikong magluluklok sa kanila sa ika -4 na puwesto na may kaakibat na twice-to-beat incentive gaya ng ikatlong puwesto papasok sa playoffs.

Sa unang laban, nasa ‘ must win situation “ naman ang Scorpions kontra Racal dahil ang kanilang pagkatalo ay mangangahulugan ng kabiguan nilang makausad ng quarterfinals at magpapasok naman sa nakaabang na Wang’s Basketball sa payoff round sa unang pagkakataon.

Kung parehas mananalo ang CEU at Batangas, ang CEU ang sasaltang panglima, pang-apat ang Batangas at pang -6 ang Marinerong Pilipino.

Kapag nagwagi naman ang CEU at natalo ang Batangas, ang Scorpions ang magiging no. 4 at twice -to-beat, panglima ang Batangas at pang -6 ang Skippers.

Pero kung manalo ang Batangas at matalo ang CEU, laglag ang huli, pang -4 ang Batangas, panglima ang Marinero at papasok na pang -6 ang Wang’s.

At kung parehas namang mabigo ang CEU at Batangas, laglag ang CEU, ang Marinero ang magiging no. 4 at twice-to-beat at pang-6 ang Couriers.

Umaasa si coach Eric Gonzales na patuloy na lalaban bilang isang team ang mga Batangueńos kahit nawala ang lider na si Joseph Sedurifa na ngayo’y naglalaro na sa PBA sa koponan ng Meralco sa pamumuno nina Cedric de Joya, Jhygrus Laude, John Ragasa at Cedric Ablaza.

Dalawang sunod namang Nagtala ng triple-double, inaasahang muling pamumunuan ni Jeron Teng ang Thunder sa misyon nitong mawalis ang elimination.