NI: Leandro Alborote

TARLAC CITY - Isang hindi pa kilala at naaagnas nang bangkay na pinaniniwalaang biktima ng salvaging ang natagpuan sa madamong bahagi ng Armenia-Capas Road sa Barangay San Carlos, Tarlac City, nitong Sabado ng hapon.

Sinabi ni SPO1 Aldrin Dayag na ang nakasilid sa sako ang bangkay, na binalutan ng masking tape ang ulo at iginapos ang mga kamay, na pinaniniwalaang pinahirapan din.

Ang lalaking biktima ay may taas na 5’6”, balingkinitan, nakasuot ng itim na T-shirt at short pants na may kombinasyon na light blue, puti at pula.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Nakalagak ngayon ang biktima sa Lotus Funeral Homes sa Tarlac City.