Ni: Gilbert Espeña
NABIGO si Filipino boxer Jaysever Abcede na mahablot ang bakanteng OPBF minimumweight title nang matalo sa 4th round TKO kay undefeated Japanese Tsubasa Koura noong Sabado ng gabi sa Tokyo, Japan.
Nagpakitang gilas si Abcede sa unang tatlong rounds ngunit pagdating ng 4th round ay tinaman siya ng matitinding bigwas sa bodega kaya bumagsak at itinigil ng referee ang laban.
The Filipino displayed his raw power from the outset, but Koura, an upright foot worker, averted them with ease and occasionally countered with quick rights to the southpaw,” ayon sa ulat ng Fightnews.com. “In the closing seconds of the fatal fourth, Koura connected with solid and strong body shots to have him fall in agony for the count.”
Napaganda ni Koura ang kanyang rekord sa perpektong 11 panalo, 8 sa pamamagitan ng knockouts samantalang bumagsak ang kartada ni Abcede sa 14-7-0 na may 9 pagwawagi sa knockouts.