Ni: Bella Gamotea

Nagpatupad ng taas-presyo ang mga kumpanya ng langis sa bansa, sa pangunguna ng Flying V, ngayong Martes, Agosto 1.

Sa pahayag ng Flying V, epektibo dakong 12:01 ng madaling araw ngayon ay tataas ng 50 sentimos ang kada litro ng diesel, 40 sentimos sa kerosene, at 35 sentimos sa gasolina.

Ang bagong dagdag-presyo sa petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Hulyo 25 huling nagtaas ang presyo ng langis.

National

Malalakas na bagyong dulot ng habagat, Super El Niño posible sa Hunyo hanggang Agosto!—PAGASA