Ni: Lyka Manalo

BATANGAS - Dalawang lalaki ang nalunod sa ilog, at isa sa kanila ang pinaghahanap pa sa magkahiwalay na lugar sa Batangas.

Nagsasagawa pa ng rescue operations ang mga awtoridad upang hanapin si Joseph Acosta, 46, ng Barangay Lumbangan, Nasugbu.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 9:30 ng umaga nitong Hulyo 30 nang lumangoy si Acosta at isang kasamahan sa trabaho upang bisitahin ang fishing net sa kabilang dako ng Lumbangan River, pero nalunod ang biktima.

Probinsya

9-anyos na bata, patay matapos makuryente ng tinatayang 20 minuto

Dakong 11:30 ng gabi naman nitong Hulyo 29 nang malunod sa Pansipit River sa Lemery si Sammy Samudio, 42 anyos.

Nahulog umano sa ilog ang biktima matapos makatulog sa concrete barrier ng Palanas Bridge dahil sa kalasingan.