ni Marivic Awitan

Ipinakita ng Hair Fairy Air Force ang kanilang pagiging beterano matapos pataubin ang Akari-Adamson, 25-22, 25-16, 25-21 para makamit ang ikatlong semifinals slot sa Premier Volleyball League Open Conference noong Sabado sa Fil-Oil Flying V Center sa San Juan.

Makaraang tumapos na panghuli noong nakaraang Reinforced Conference, lumutang ang lakas ng All-Filipino crew ng Lady Jet Spikers.

“Gusto naming patunayan siyempre na kaya naming pag ganito ang labanan. Masaya kami na nakapasok kami sa semis at hopefully, magtuluy-tuloy,” ani Air Force coach Jasper Jimenez.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ngunit hindi naging madali para sa Air Force ang naging panalo kahit pa naging straight sets ito dahil sinikap ng Lady Falcons na gawing dikit lahat ng sets.

“Sabi ko sa kanila, wag silang mawawalan ng kumpiyansa, dapat tuloy lang nila yung tiwala nila na kaya nila,” ayon pa kay Jimenez.

Pinangunahan ni Iari Yongco ng Lady Jet Spikers sa panalo sa iniskor nitong 14 puntos na kinabibilangan ng 9 na hits, 3 blocks at 2 aces sumunod sina Jocemer Tapic at Joy Cases na kapwa nagtala ng tig-10 puntos.

Sa kabilang dako, namuno naman para sa Lady Falcons na tinapos ang kanilang kampanya na may markang 1-6, panalo-talo si team captain Jema Galanza na may 14-puntos.