ni Marivic Awitan
Tinalo ng Perlas Pilipinas ng kanilang kampanya sa 2017 FIBA Women’s Asia Cup sa pamamagitan ng paggapi sa North Korea, 78-63 upang mapanatili ang kanilang pagkakahanay sa Group A ng continental tournament.
Ang panalo ang una para sa mga Pinay sa torneo na ginanap sa India matapos mabigo sa unang apat nilang mga laro, pinakahuli ang 53-87 kabiguan sa Chinese Taipei.
Sa nasabing laban, nagtala ng 50 percent na field goal shooting ang mga Pinay upang masapawan ang naitalang 10 3-point shots ng mga Korean.
Pinangunahan ni Allana Lim ang nasabing panalo ng Perlas Pilipinas sa ipinoste nitong 16 puntos bukod pa sa 4 na rebounds.
Nag-ambag naman ang mga kakamping sina Analyn Almazan at Cindy Resultay ng 13 at 10 puntos ayon sa pagkakasunod.
Sanhi naman ng natamong pagkabigo upang magtapos na winless sa kanilang kampanya, bumaba sa Division B ang North Korea.