ni Argyll Cyrus B. Geducos

Ikinalugod ng Malacañang ang kahandaan ng United States na tumulong para maibalik sa Pilipinas ang Balangiga Bells.

Ito ay matapos magpahayag si US Ambassador to the Philippines Sung Kim na makikipagtulungan ang Amerika sa mga Pinoy upang makahanap ng resolusyon para mabawi ang artifacts.

Sa isang pahayag kahapon, sinabi ng Malacañang na ang Balangiga Bells ay bahagi ng pamana ng bansa.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

“We welcome US Ambassador Sung Kim’s remarks on trying ‘to reach an early resolution on the Balangiga bells,” pahayag ng Malacañang.

“The Philippine government will continue to work with the US to pave the way for the rightful return of the Balangiga Bells to the country,” dugtong ng Palasyo.

Sinabi rin ng Palasyo na nakapangako ang gobyerno na ilatag ang daan tungo sa pagbangon ng dignidad ng bansa.

Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte, sa kanyang State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo 24 sa gobyerno ng Amerika na ibalik ang mga kampana na may malalim na kahulugan para sa bansa.

“Those bells are reminders of the gallantry and heroism of our forebears who resisted the American colonizers and sacrificed their lives in the process,” anang Duterte.

Nangako ang US Embassy sa Manila nang sumunod na araw na tutulong para maibalik ang Balangiga Bells.

“We are aware that the Bells of Balangiga have deep significance for a number of people, both in the United States and in the Philippines,” pahayag ng US Embassy.

Kinuha at dinala pabalik sa US ng mga sundalong Amerikano ang tatlong kampana sa simbahan ng Balanginga sa Eastern Samar bilang ganti sa paglusob at pagpatay ng mga rebolusyonaryong Pilipino sa 48 nilang kasamahan noong 1901.

Dalawa sa mga kampana ang naka-display ngayon sa F.E. Warren Air Force Base sa Wyoming, habang ang ikatlo ay nasa 2nd Infantry Division Museum sa Camp Red Cloud, Uijeongbu sa South Korea.