NI: Leo P. Diaz

ISULAN, Sultan Kudarat – Sinabi ni Health Secretary Paulyn Jean B. Rosell-Ubial na malaking tulong ang pagpapatayo ng modernong Sultan Kudarat Provincial Hospital sa lalawigan upang mabawasan ang aniya’y mahigit 44,000 kakulangan sa hospital beds sa buong bansa.

Dumalo ang kalihim sa ground-breaking ceremony ng ospital sa isang bahagi ng kapitolyo sa Isulan nitong Sabado, na dinaluhan ni Gov. Sultan Pax S. Mangudadatu, Al hadz at iba pang mga lokal na opisyal.

Sinabi ng gobernador na aabutin ng bilyong piso ang pagpapatayo sa nasabing ospital, na tiniyak niyang magkakaloob ng libreng gamutan sa mga nangangailangan.

Probinsya

9-anyos na bata, patay matapos makuryente ng tinatayang 20 minuto